^

Metro

Ginang todas sa selosong mister

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil umano sa matin­ding selos, isang ginang ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang mister sa lungsod Quezon kahapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Imelda Agunod, 44, may-asawa ng #22 Ofelia St., Brgy. Bahay Toro sa lungsod bunsod na rin ng maraming tama ng saksak sa mukha at katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na si Felix Agunod na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Ayon kay SPO1 Jaime Jimena, may-hawak ng kaso, selos umano ang ugat ng pamamaslang ng suspect.

Nangyari ang insidente sa mismong bahay ng mag-asawang Agunod ganap na alas-7:30 ng gabi.

Ayon kay Eduardo Abagao, kapatid ng biktima, nakikipagkwentuhan siya sa kanyang mga ka­ibigan sa harap ng bahay­ ng mag-asawa nang ma­ka­rinig siya ng sigaw ng kapatid na humihingi ng saklolo.

Dahil dito, nagmamadali si Abagao na buksan ang pinto ng bahay ng mag-asawa pero naka-lock ito kung kaya’t pinuwersa niyang buksan ang main door nito.

Dito na nakita ni Abagao ang suspect na may hawak na duguan patalim at nang puntahan niya ang kuwarto ng mag-asawa ay nakita naman niya ang kapatid na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.

Mula rito ay mabilis na lumabas ng bahay ang suspect at pumara ng taxi kung saan tinutukan nito ang driver at hinatak papalabas bago tuluyang tinangay ang taxi na nagsilbi nitong get-away car patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Patuloy ang follow-up operations ng CIDU laban sa suspect.

vuukle comment

ABAGAO

AYON

BAHAY TORO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DAHIL

EDUARDO ABAGAO

FELIX AGUNOD

IMELDA AGUNOD

JAIME JIMENA

OFELIA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with