^

Metro

Militar, K9 ikakalat sa MM

Nina - Lordeth Bonilla at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Upang tulungan ang pulisya sa pagpapatupad ng seguridad sa Metro Manila, magdedeploy na rin ng sapat na puwersa ang AFP-National Capital Region Command at mga K-9 dogs kaugnay ng paggunita sa Semana Santa.

Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Jessie Dellosa, ang hakbang ay alinsunod sa Joint Peace and Security Coordi­nating Center (JPSCC) sa pagitan ng PNP, AFP at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Tiniyak din ni Dello­sa na handa ang tropa ng militar na mag­responde sa anumang banta sa seguridad sa Semana Santa.

Una nang inihayag ni NCRPO Chief P/Director Alan Purisima na aabot sa 7,000 pulis ang ipakakalat sa panahon ng Kuwaresma sa mga  istratehikong lugar partikular na sa transport terminals.

Nabatid na sanhi ng patuloy na exodus ng mga pasahero sa terminal, daungan at paliparan ay pinaigting na rin ng AFP ang kanilang security monitoring ga­yundin sa pag-ayuda sa PNP para tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.

Kabilang sa ide-deploy ay 30-sundalo mula sa Joint Task Force Land -NCR na bahagi ng augmentation sa Quezon City Police District, 30 mula sa Joint Civil Military Operations Task Force na augmentation naman sa MMDA forces na naka-deploy sa mga bus terminal sa kahabaan ng Edsa at Araneta Center sa Cubao, Quezon City; JTF Maritime-NCR na paiigtingin naman ang sea marshal gayundin ang visibility patrols sa mga daungan.

ARANETA CENTER

CHIEF OF STAFF LT

CHIEF P

DIRECTOR ALAN PURISIMA

JESSIE DELLOSA

JOINT CIVIL MILITARY OPERATIONS TASK FORCE

JOINT PEACE AND SECURITY COORDI

JOINT TASK FORCE LAND

METRO MANILA

SEMANA SANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with