Fish vendor bulagta sa holdaper

MANILA, Philippines - Kamatayan ang su­malubong sa isang fish vendor habang ma­lubha naman ang ka­ibigan nito matapos ratratin ng dalawang holda­per na lulan ng motorsiklo sa Parañaque City kamakalawa ng hapon.

Nasapol sa dibdib ang biktimang si Romualdo Barrida ng Dr. A. Santos Avenue, Phase 3, San Antonio Village habang gina­gamot naman sa Olivarez Medical Center ang kaibigan nitong si George Perseveranda.

Sa sketchy report na nakarating kay P/Supt. Jenny Tecson, naganap ang karahasan dakong alas-4:20 ng hapon sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue, Brgy. San Antonio Village.

Lumilitaw na magka­angkas sa motorsiklo ang magkaibigan nang harangin ng riding-in-tandem na holdaper.

Tinutukan ng baril ang magkaibigan at pilit na hinihingi ang gintong kuwintas ni Barrida­ subalit pumalag ito kaya naganap ang pamamaril.

Show comments