Fish vendor bulagta sa holdaper
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang fish vendor habang malubha naman ang kaibigan nito matapos ratratin ng dalawang holdaper na lulan ng motorsiklo sa Parañaque City kamakalawa ng hapon.
Nasapol sa dibdib ang biktimang si Romualdo Barrida ng Dr. A. Santos Avenue, Phase 3, San Antonio Village habang ginagamot naman sa Olivarez Medical Center ang kaibigan nitong si George Perseveranda.
Sa sketchy report na nakarating kay P/Supt. Jenny Tecson, naganap ang karahasan dakong alas-4:20 ng hapon sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue, Brgy. San Antonio Village.
Lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo ang magkaibigan nang harangin ng riding-in-tandem na holdaper.
Tinutukan ng baril ang magkaibigan at pilit na hinihingi ang gintong kuwintas ni Barrida subalit pumalag ito kaya naganap ang pamamaril.
- Latest
- Trending