Binatilyo utas sa cargo truck
MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 16-anyos na binatilyo nang masagasaan ng rumaragasang cargo truck habang nakikipaglaro sa kalye sa mga kaibigan sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Jayvee Baltazar, isang out-of-school youth ng Purok 2 Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.
Arestado naman ang suspect na si Rodolfo Garcia, 33, binata, driver, ng San Pablo Bata Aliaga, Nueva Ecija.
Sa ulat ng Manila Police District dakong alas-5:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa Spurlina Road, Area F, Parola Compound, Tondo.
Nauna rito, naglalaro ang biktima kasama ang mga kaibigang sina Rodman Caldo, 14; at JM Masiglat, 12, nang sa pagtakbo ng una ay nahagip ng rumaragasang cargo truck na minamaneho ni Garcia. Ang katawan ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Yvan Funeral Homes.
- Latest
- Trending