^

Metro

Pulis-Maynila utas sa sariling boga

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Agad na namatay ang isang miyembro ng Manila Police District sa sarili niyang baril makaraang aksidenteng pumutok kahapon ng hapon sa bahay ng kaibigan nito sa Dagupan St., Tondo, Maynila.

Isang tama sa dibdib mula sa 9mm pistol ang sanhi ng kamatayan ng biktimang si PO3 Angelo Garcia Agulto, 35, nakatalaga bilang jailer sa MPD-Station 11 at residente ng Gabriela St., panulukan ng Dagupan Ext., Tondo.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera, dakong alas-12:30 ng hapon kahapon nang ma­karinig ng isang putok ng baril ang kaibigan ni Agulto na si “Lito”, 35, sa bahay ng kaibigan, kung saan siya tumutuloy.

Nang magtungo ito sa sala ay tumambad ang biktima na duguang nakaupo sa sahig at sa harapan nito ang nakalapag din na service firearm.

Nabatid na lilinisin pa lamang­ ng biktima ang baril nito at kinuha sa kanyang bag, na hiwalay na ang magazine, sa di akalain ay may isang bala na naiwan umano sa loob ng baril na siyang pu­mutok at tumama sa kanyang dibdib.

“Wala naman kaming nakitang foul play. ’Yung bala na naiwan sa baril ang pumutok kasi dati nang kalas ang maga­zine ng baril niya na nasa bag. Kinuha niya nang walang magazine para linisin daw,” ani Tajonera.

vuukle comment

AGULTO

ANGELO GARCIA AGULTO

BARIL

DAGUPAN EXT

DAGUPAN ST.

GABRIELA ST.

ISANG

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with