^

Metro

Secret marshals, ikakalat sa Holy Week

- Joy Cantos, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil sa inaasahang pag­dagsa ng mga bakasyunista na magtutungo sa mga pro­binsya, isinailalim na ng Philip­pine National Police (PNP) sa full alert status ka­hapon (Marso 28) ang puwersa nito kaugnay ng paggunita sa Semana Santa.

Kabilang sa paghahanda ng pulisya, sinimulan nang magpakalat kahapon ng mga secret marshal o undercover agent ang Quezon City Police District (QCPD) sa mga bus terminal para sa seguridad ng mga pasahero laban sa mga kawatan na mananamantala.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Mario O. dela Vega, simula kahapon ay ipinakalat na nila ang undercover agent sa 22 bus terminals sa lungsod na pawang nakasuot lamang ng sibilyan.

Sinasabing 24 na oras ang gagawing halinhinang pag­babantay ng mga operatiba laban sa pag-atake ng masamang elemento.

Bukod sa 24 hours na undercover agent on duty, may 650 pulis pa ang ipapa­kalat para sa seguridad sa lungsod ngayong Semana Santa, katuwang ang may 300 Barangay Public Safety Officers (BPSO).

“The alert status of the entire PNP is placed at full alert status, effective 5 pm today,” pahayag naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr.

Ang full alert status ay nangangahulugan na kanselado ang mga leave ng mga pulis para siguraduhin ang kaligtasan ng publiko.

Binabantayan na rin ng kapulisan ang mga teroristang grupo na maaaring ma­namantala ngayong Kuwaresma.

Partikular na bantay sa­rado ang LRT, MRT stations, bus terminals, mga daungan at paliparan.

Samantala, inihayag naman­ ni National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Alan Purisima, tatapatan nila ng mga naka-motorsiklong pulis ang mga riding-in-tandem na kriminal kasabay ng pagpapakalat ng 5,572 pulis sa mga matataong lugar

AGRIMERO CRUZ JR.

BARANGAY PUBLIC SAFETY OFFICERS

CHIEF P

CHIEF SUPT

DIRECTOR ALAN PURISIMA

MARIO O

NATIONAL CA

SEMANA SANTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with