^

Metro

LPG nagbaba uli ng P1 sa kada kilo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Inaasahang P1 sa kada kilo ang matatapyas sa presyo ng mga produkto ng Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) makaraang ihayag kahapon ang rollback.

Kinumpirma ni LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty ang pagbababa ng P1 kada kilo o P11 sa 11 kilong tangke ng cooking gas na mag-uumpisa dakong alas-12:01 ng hatinggabi.

Ito na umano ang katuparan ng ipinangako nila na pagbaba sa presyo ng LPG dahil sa mas mababang demand sa internasyunal na pamilihan kung saan ito na rin ang ikalawang rollback nila ngayong buwan ng Marso.

Nangangahulugan ito na papalo na lamang umano ang kada kilo ng LPG ng mga miyembro nilang retailers ng P764 kada tangke buhat sa kasalukuyang P775 kada tangke. Mas mababa umano ang kanilang LPG sa mga ibinibenta naman ng mga nagla­lakihang oil companies sa bansa.

ARNEL TY

INAASAHANG

KADA

KINUMPIRMA

LIQUEFIED PETROLEUM GAS MARKETER

MARSO

NANGANGAHULUGAN

PARTYLIST REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with