^

Metro

'Kidnap pipi gang' gumagala sa Metro Manila

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Gumagala ngayon sa Metro Manila ang sindikato ng ‘kidnap pipi gang’ na bumibiktima ng mga kabataang babae na ginagawang sex slave o di kaya naman ay ibinebenta sa kanilang mga parukyano sa malalayong lugar.

Ito ang nabulgar kahapon matapos na dumulog sa Philippine National Police (PNP) ang ilan sa mga naging biktima ng sindikato.

Sa salaysay ng isa sa mga biktimang itinago sa pangalang Mylene, 17, sa pamamagitan ng ini-interpret na ‘sign language’ ay sinabi nitong nagawa lamang niyang makatakas sa sindikato may ilang linggo na ang nakalilipas.

Si Mylene ay dumulog sa isang pari na nakabase sa Quezon City na sa pamamagitan ng mga koneksyon ay nagawang maiparating sa mga awtoridad ang hinaing ng naturang biktima.

Lumilitaw rin na karamihan sa mga biktima ay mula sa ‘special education school’ sa Metro Manila na tinitiktikan ng sindikato saka dinudukot lalo na yaong magaganda.

Ayon kay Mylene , aabot sa 20 menor de edad na tulad niyang pipi ang dinala umano sa isang casa sa lalawigan ng Quezon at dito’y ginawa silang sex slave ng sindikato na bukod dito ay ibinebenta pa sila sa mga parukyano na karamihan ay mga matatanda habang ang iba naman ay mga dayuhan.

Palibhasa’y mga pipi ay hindi nila magawang makasigaw habang pinagsasamantalahan ng mga kalalakihang hayok sa laman.

vuukle comment

AYON

GUMAGALA

LUMILITAW

METRO MANILA

MYLENE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

SI MYLENE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with