Binata bigo sa rape, nagbigti

MANILA, Philippines – Matapos na sermunan ng kanyang tiyahin maka­raang pagtangkaang gahasain ang kanyang pinsan, isang 20-anyos na lalaki ang nagbigti sa Malate, Maynila.

Patay na nang matagpuang nakabigti si Ivan Lendl Paulino, ng Singalong St., Malate, Maynila.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Ronald­ Gallo ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-3:30 ng hapon nang matagpuan sa loob ng bahay sa nabanggit na lugar ang biktima.

Bago ang insidente, na­unang nagsumbong si Joy, 13 (hindi tunay na pangalan) sa kanyang nanay na si Juliet­ tungkol sa pagtatangka ng pinsang suspect na siya ay halayin.

Sa galit ay tinawagan ni Juliet sa cellphone ang bik­tima at kinuwestiyon sa pagtangkang panggagahasa sa kanyang anak hanggang sa nagmadaling umuwi mula sa kanyang trabaho.

Pagdating sa bahay ay agad na hinanap ni Juliet ang pamangkin at dito na niya natagpuang nakabigti sa loob ng bahay gamit ang isang nylon cord.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa St. Yvan upang isailalim sa awtopsiya at safe keeping.

Show comments