^

Metro

Taiwanese biktima ng hulidap

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang Taiwanese ang nagharap ng reklamo matapos na mabiktima ng “hulidap nang dukutin sa Makati City at ipasyal hanggang sa Bacoor, Cavite.

Pormal na naghain ng reklamo kamakalawa ng hapon sa Makati City Police ang biktimang nagpakilalang si Lin Yen Chu, 23, at pansamantalang nanunuluyan sa Eurotel Hotel sa may Brgy. Pio del Pilar, Makati.

Sa kanyang reklamo, kalalabas lamang niya ng hotel sa kanto ng Pasong Tamo at Pasay noong Huwebes ng umaga nang lapitan ng mga armadong lalaki na naka-uniporme ng PNP at ipinasok sa loob ng isang van.

Unang hinanapan umano siya ng mga salarin ng ID at pasaporte ang biktima ngunit nang nasa loob na ng sasakyan ay tinutukan siya ng baril at nagpahayag ng holdap. Dito iginapos ang kanyang mga kamay, piniringan ang mga mata at binusalan ang bibig ng tape.

Tinangay umano ng mga holdaper ang lahat ng kanyang dalang salapi, pati na ang dala niyang dolyar na tinatayang aabot sa kabuuang halagang P17,000 bago siya ibinaba sa isang madilim na lugar sa Bgy. Niog 3, Bacoor, Cavite noong Biyernes na dakong alas-3 ng madaling araw.

Nagpalakad-lakad ang dayuhan sa Bacoor, Cavite hanggang sa makahingi ng saklolo sa dalawang binatilyo na naghatid sa kanya sa istasyon ng pulisya sa naturang bayan.  Dito naman tinulungan ng mga pulis ang biktima na makabalik sa kanyang hotel hanggang sa maiulat ang naganap sa kanya sa Makati Police.

BACOOR

CAVITE

DITO

EUROTEL HOTEL

ISANG TAIWANESE

LIN YEN CHU

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI POLICE

PASONG TAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with