^

Metro

Homeowner secretary todas sa ambush

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang sekretarya ng home­owners association sa lungsod Quezon ang patay makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District, ang biktima ay nakilalang si Rowena Paclibar, 49, may-asawa, secretary ng Samahang Kasoy at Kaunlarang Homeowners Association at residente sa no. 06B, Katuparan St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Kapwa nakasuot ng itim na jacket at ballcap ang dalawang hindi nakilalang suspect na mabilis namang tumakas makaraang isa­gawa ang krimen.

Sa ulat ni SPO1 Johnny Mahilum, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Katuparan St., Brgy. Commonwealth ganap na alas-11 ng gabi.

Ayon kay Flora Ilanan, nasa loob siya ng kanyang sari-sari store nang makita niya ang biktima na nagdaan para magtapon ng basura patungong Commonwealth Avenue.

Ilang minuto ang lumipas, nakarinig na lang umano si Ilanan ng mga putok ng baril mula sa labas hanggang sa ipagbigay alam sa kanya ng kapitbahay na pinagbabaril na umano ang biktima at patay na ito.

Nakita naman ng mga residente ang mga suspect na casual na naglakad lamang papalayo patungong Katipunan Extension.

Ayon sa anak ng biktima na si Ronito Paclibar, naniniwala umano ito na ang re-blocking sa kanilang lugar ang ugat ng pagpatay sa kanyang nanay.

Diumano, isa ang biktima sa nagsusulong ng pagpapatupad ng roadwidening project kung saan iuurong ng walong metro ang mga bahay na maaring ikinagalit ng mga residente sa Katuparan St.

May hawak na rin uma­nong testigo ang pulisya, pero ayaw pa nitong lumantad dahil sa takot.

Patuloy ang follow-up operations ng awtoridad sa nasabing insidente.

AYON

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

FLORA ILANAN

JOHNNY MAHILUM

KATIPUNAN EXTENSION

KATUPARAN ST.

KAUNLARANG HOMEOWNERS ASSOCIATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with