Biyahe ng LRT paaabutin na hanggang Cavite

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ni Pangu­long Benigno “Noynoy” Aquino­ III at National Economic and Development Authority­ (NEDA) ang kons­truk­siyon ng may 12 kilo­metrong haba ng LRT Cavite­ Extension project.

Sa ilalim ng bagong pro­yekto, gagawa ng walong bagong istasyon ang LRT sa mga lugar ng Redempto­rist, Manila International Airport Authority (MIAA), Asia World at Ninoy Aquino Station-Pasay, Doctor Santos-Parañaque, Las Piñas at Zapote Station at magtatapos sa Niyog Station sa Bacoor, Cavite.

Tinatayang P60 bilyon ang kakailanganin para sa naturang proyekto at magsi­simula na ang bidding sa susunod na linggo.

Ayon naman kay DoTC Secretary Mar Roxas mayroong 40,000 mga pasahero aniya ang maseserbisyuhan sakaling matuloy na ang LRT extension project.

Show comments