Biyahe ng LRT paaabutin na hanggang Cavite
MANILA, Philippines - Inaprubahan na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at National Economic and Development Authority (NEDA) ang konstruksiyon ng may 12 kilometrong haba ng LRT Cavite Extension project.
Sa ilalim ng bagong proyekto, gagawa ng walong bagong istasyon ang LRT sa mga lugar ng Redemptorist, Manila International Airport Authority (MIAA), Asia World at Ninoy Aquino Station-Pasay, Doctor Santos-Parañaque, Las Piñas at Zapote Station at magtatapos sa Niyog Station sa Bacoor, Cavite.
Tinatayang P60 bilyon ang kakailanganin para sa naturang proyekto at magsisimula na ang bidding sa susunod na linggo.
Ayon naman kay DoTC Secretary Mar Roxas mayroong 40,000 mga pasahero aniya ang maseserbisyuhan sakaling matuloy na ang LRT extension project.
- Latest
- Trending