^

Metro

2 killer ng honor student na inagawan ng PSP, huli na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Itinuturing na nalutas na ang kaso ng pagpatay sa isang honor student na ga-graduate ng high school ngayong buwan makaraang madakip na ang dalawang holdaper na bumaril sa biktima sa Taguig City.

Iprinisinta kahapon ng Taguig City Police kay Mayor Lani Cayetano ang mga na­dakip na suspek na sina Bobby Babago, alyas Roger, 25; at Arnold­ Tagalog, 30. Ang da­lawa ang itinuro ng anim na testigo na bumaril at pumaslang sa 15-anyos na si Rowell Cruz, graduating student ng Signal Village National High School.

Sinabi ni Taguig City Police chief, Sr. Supt. Tomas Apolinario na una nilang inimbitahan ang may-ari ng motorsiklong inabandona ng mga salarin na si Shirley Palacio, 45; at anak na si Jomar, 21. Ito’y upang pag­paliwanagin kung bakit nahuli ang pagpapa-blotter nila sa sinasabi nilang pagkarnap sa naturang motorsiklo.

Dito naman lumutang sa pulisya ang isa pang anak ni Shirley na si Jonnee Mar at itinuro ang suspek na si Babago na bayaw ng kanyang ina na siya umanong tumangay ng motorsiklo at may kagagawan ng krimen.

Agad namang naglunsad kamakalawa ng operasyon ang pulisya kung saan nadakip si Babago sa kanyang bahay sa Sitio Imelda, Purok 6 Brgy. Upper­ Bicutan. Itinuro naman nito si Tagalog na kasama niya sa krimen kung saan nadakip din ito sa isang bahay sa may Ipil-Ipil St. sa naturang ba­rangay.

vuukle comment

BABAGO

BOBBY BABAGO

IPIL-IPIL ST.

JONNEE MAR

MAYOR LANI CAYETANO

ROWELL CRUZ

SHIRLEY PALACIO

SIGNAL VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL

SITIO IMELDA

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with