^

Metro

Andal Sr. balik-selda na - BJMP

Nina - Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matapos na manatili sa military hospital, balik kulungan si Andal Ampatuan Sr., ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) director Rosendo Dial.

Si Andar Sr., ay panguna­hing suspect sa kaso ng Ma­guindanao massacre ay inilabas na sa AFP Medical Center sa Quezon City kahapon ng umaga base sa kautusan ng korte na may hawak dito.

Sinabi ni Dial na bago idi­retso­ sa Quezon City Jail Annex­ sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, idadaan muna ito sa Philippine Heart Center para isailalim sa cardio­gram examination.

Ayon pa kay Dial, base sa naging rekomendasyon ng doktor ni Andal Sr. sa AFP Medical Center kailangang suriin muna ang puso nito at tiyaking nasa maayos na kondisyon bago ibalik sa kulungan.

Matatandaang Marso 9 nang isugod sa Taguig Pateros District Hospital ang matandang Ampatuan ma­tapos na magsuka ng dugo at kalaunan ay inilipat sa AFP medical center.

Dito ay nakita ng mga doktor­ na may pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease at chronic alco­holic liver disease ang ma­tandang Ampatuan.

Si Andal Sr. ay kabilang sa 196 na akusado na nahaharap sa kasong multiple murder case na naka-pending sa Regional Trial Court branch 221 sa lungsod Quezon.

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

ANDAL SR.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

MATATANDAANG MARSO

MEDICAL CENTER

PHILIPPINE HEART CENTER

QUEZON CITY

QUEZON CITY JAIL ANNEX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with