^

Metro

Biktima ng salvage, natagpuan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang may tama ng saksak sa dibdib habang nakasilid sa isang itim na garbage bag na nababalutan ng packing tape sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga. 

Ang biktima na walang pagkakakilanlan ay nakasuot lamang­ ng kulay asul na brief, tinatayang nasa edad na 15 hanggang 18 anyos, may taas na 5’, katamtaman ang panga­ngatawan, may tattoo sa likuran ng bahala ng gang.

Ang biktima ay natagpuan sa may kahabaan ng Congressional Extension malapit sa panulukan ng Teacher’s Village Subdivision, Brgy. Culiat ganap na alas-6:15 ng umaga. Sinasabing tinatahak ng tricycle na bumibiyahe ng gulay ang nasabing lugar nang mapuna ng driver nito ang garbage bag na nakatambak sa gilid ng bangketa.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) nakitaan ng bakas ng pagkakasakal sa leeg ang bik­ tima at saksak ng icepick sa kaliwang dibdib nito.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

CONGRESSIONAL EXTENSION

CULIAT

ISANG

QUEZON

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

SHY

SINASABING

VILLAGE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with