^

Metro

Lolo tinaniman ng bala ng riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Anim na tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang 66-anyos na lolo matapos na paulanan ito ng bala ng riding in tandem na suspect sa harap ng kanyang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection unit (CIDU) ng Quezon City Police District, ang biktima ay kinilalang si Aproniano Carlet, ng Adarna Extension, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng isang Honda XRM na hindi naplakahan at ngayon ay tugis na ng mga operatiba ng CIDU.

Ayon sa ulat, ang insidente ay nangyari sa may harap mismo ng bahay ng biktima ganap na alas-10:30 ng gabi.

Diumano, nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang duma­ting ang mga suspect sakay ng nasabing motorsiklo saka huminto hindi kalayuan sa una.

Ilang sandali, isa sa mga suspect ang bumaba sa motorsiklo saka nagbunot ng baril at pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa pulisya, sa dami ng balang tinamo ng biktima, indikasyon umano na malaki ang galit ng mga suspect dito at sinigurong hindi na siya mabubuhay. Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insidente.

vuukle comment

ADARNA EXTENSION

APRONIANO CARLET

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION

DIUMANO

ILANG

MABILIS

PATULOY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with