^

Metro

SUV ng brgy captain, kinardyak sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang sports utility vehicle (SUV) ng barangay captain sa Makati City ang kinarjack habang su­gatan naman ang babaeng kasamahan nito matapos na tumalon­ dito para makatakas sa car­jacker sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat, nagawang matangay ng mga suspect ang kulay asul na Toyota Fortuner (ZHY-483) ng biktimang si Brgy. Captain Armando Padilla, 54, ng Ma­gallanes, Makati City.

Sugatan naman ang isang Maria de Ocampo at ginamot sa St. Luke’s Medical Center.

Nangyari ang insi­dente sa may harapan ng Pan de Manila na mata­tagpuan sa Timog Avenue Brgy., South Triangle ganap na ala- 1 ng hapon.

Bago nito, nagtungo si Padilla sakay ng kanyang SUV sa Pan de Manila para bumili ng tinapay. Pero iniwan niya ang sasakyan na hindi naka-lock habang umaandar ang makina at nakasuksok pa ang susi nito.

Iniwan din ng kapitan sa loob ang kasamang si de Ocampo na nakaupo sa harapan. Mula dito ay sumulpot ang suspect na nakasuot ng ski-mask at armado ng baril saka sumakay sa sa­sakyan. Nagulat naman si de Ocampo at makipagpambuno sa suspect.

Napuna naman ni Padilla at ng isang guwardiya sa lugar ang komosyon sa loob ng SUV at agad na lumapit dito, pero mabilis na pinatakbo ito ng suspect patungong Judge Jimenez St. kung saan nakakuha ng tiyempo si de Ocampo at tumalon papalabas ng nasabing sasakyan.

Naniniwala ang pu­lisya na may ibang kasamahan ang suspect dahil isang kulay pulang sasakyan malapit sa lugar ang nakita ng ilang residente, at ang sakay nito ay sinasabing nagpaputok ng baril sa ere.

Hindi rin anya batid ng suspect na may tao pa sa loob ng SUV ng sakyan niya ito para itakas kung kaya nagkaroon ng komosyon.

CAPTAIN ARMANDO PADILLA

JUDGE JIMENEZ ST.

MAKATI CITY

MEDICAL CENTER

OCAMPO

PADILLA

SHY

SOUTH TRIANGLE

ST. LUKE

TIMOG AVENUE BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with