^

Metro

Writ of Amparo kay Gatdula, inutos ng korte

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Inutos ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang pagpapatupad ng Writ of Amparo matapos na katigan ang petisyon ni dating National Bureau of Investigation (NBI) director Magtanggol Gatdula na humihiling na ma­protektahan siya at ang kanyang pamilya dahil na rin sa mga banta sa kanyang buhay.

Ang nabanggit na kahilingan ay may ka­ugnayan pa rin sa umano’y pananambang kay NBI deputy director Reynaldo Esmeralda.

Sa apat na pahinang kautusan ni Manila Silvino Pampilo Jr., ng Branch 26, inatasan nito ang Philip­pine National Police-Police Security Protection Group na protektahan si Gatdula at kanyang pamilya mula kay Justice Secretary Leila de Lima, NBI OIC Nonato Rojas at NBI deputy director Reynaldo Esmeralda.

Ipinag-utos din ng korte­ na mainspeksyon ang sasakyan ni Esme­ralda na pinagbabaril habang sakay ito at ma­ganap ang umano’y ambush noong nakaraang buwan sa Paco, Maynila kung saan isinangkot si Gatdula na siyang master­mind sa insidente.

Itinanggi naman ni Gatdula na may kinalaman ito sa pananambang kay Esmeralda.

GATDULA

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAGTANGGOL GATDULA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MANILA SILVINO PAMPILO JR.

NATIONAL BUREAU

NATIONAL POLICE-POLICE SECURITY PROTECTION GROUP

NONATO ROJAS

REYNALDO ESMERALDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with