^

Metro

Coop. prexy, itinumba sa Valenzuela

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines -  Patay ang pangulo ng isang kooperatiba nang pagbabarilin ito ng tatlong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng Armadong Operatiba ng Partido Marxista-Lenista ng Pilipinas na iniulat kahapon sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival sa Fatima Medical Center ang biktimang si Diego Gayas Jr., 42, president ng Aces Code 1, Multi-Purpose Cooperative and Home Owners Association  at nakatira sa Block 11, Lot 22, Aces Code Subdivision, Bgy. Ugong ng nasabing siyudad. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ulo buhat sa cal. 45 pistol.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ope­ration ang mga ka­gawad ng Valenzuela City Police  at inaalam pa ang pagka­kakilanlan ng tatlong suspect.

Ayon sa report na nakuha sa Station Investigation Division (SID), Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga­, malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nakikipag-usap ang biktima sa ilang kapit­bahay nang biglang dumating ang tatlong suspect na armado ng baril.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima at nang matiyak ng mga suspect na hindi na mabubuhay ang una ay saka lamang itinigil ang pagpapaputok at sabay sumigaw ang isa sa mga salarin na “mabuhay partisano”.

Dahil dito, may hinala ang pulisya na miyembro ng partisano ang mga suspect.

Matapos isagawa ang pamamaril ay pina­dapa ng mga suspect ang dalawang kapitbahay na kausap ng biktima at dali-daling nagsitakas ang mga ito.

vuukle comment

ACES CODE

ACES CODE SUBDIVISION

ARMADONG OPERATIBA

DIEGO GAYAS JR.

FATIMA MEDICAL CENTER

MULTI-PURPOSE COOPERATIVE AND HOME OWNERS ASSOCIATION

PARTIDO MARXISTA-LENISTA

STATION INVESTIGATION DIVISION

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with