^

Metro

6-yr. term ng mga Bgy. Chairman imposible

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Imposible umano  ang  plano ng Manila Barangay Bureau (MBB) na  gawing 6  na taon ang  panunungkulan ng mga barangay chairman  sa Maynila.

Ito naman ang binigyan-diin ni Manila 3rd District Councilor Joel Chua kung saan sinabi nito na  nais ipakita ni MBB Director Atty. Analyn Buan  na mas mataas pa ito sa  Kongreso at Senado.

Ani  Chua, mas masusunod pa rin ang  Kongreso at Senado dahil hindi lamang sa lungsod ng Maynila  ito. Sakop ng usapin ang buong bansa.

Kinukuwestiyon din ni Chua ang mo­tibo ni Buan ng pagpapakalat ng planong gawing 6-year term ang  mga barangay chairman gayong salungat ito sa RA 7160 o mas kilala bilang Local Government Code  of 1991.

Paliwanag ni Chua, “immaterial” ang  binabanggit ni Buan upang maka­kuha lamang ng suporta ng mga ba­rangay chairman at upang hindi siya mapatalsik sa puwesto at mabuwag ang MBB. Sinabi naman ni Buan na mayroon nang panukala sa Kongreso na ga­wing 6 na taon ang  panunungkulan ng mga barangay chairman kung saan maaari pang tumakbo ang mga ito sa re-election.

Subalit lumilitaw na walang anumang panukala sa Kongreso na gawing 6 na taon ang panunungkulan ng mga ba­rangay chairman.

ANALYN BUAN

BUAN

CHUA

DIRECTOR ATTY

DISTRICT COUNCILOR JOEL CHUA

KONGRESO

LOCAL GOVERNMENT CODE

MANILA BARANGAY BUREAU

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with