^

Metro

Rape suspect todas sa parak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay sa tama ng bala ang isang 25-anyos na lalaking may kinakaharap na kasong rape sa Manila Regional Trial Court Branch 9 nang undayan ng saksak ang isang miyembro ng Manila Police District (MPD) na magsisilbi ng warrant of arrest sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid kay PO3 Bernardo Cayabyab ng MPD-Homicide Section, kahapon dakong­ alas-12:40 ng madaling-araw nang bawian ng buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Glen Clemente­, ng #835 Geronimo St. Sampaloc, Maynila, bunga ng tinamong tama ng bala mula sa pamamaril ni PO1 William Cristobal, nakatalaga sa MPD-Station 4.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isisilbi umano ni Cristobal ang warrant of arrest kay Clemente kaugnay sa kasong rape na nakabinbin sa Branch 9 ng Manila RTC.

Una rito, lumapit umano ang kaanak ng rape victim sa nasabing presinto nang makitang pagala-gala ang akusadong si Clemente, gayung non-bailable umano ang asunto nito sa korte.

Tumugon naman sa hiling na police assistance si Cristobal at dakong alas- 9:20 ng umaga ng Biyernes, Marso 16, nang makita si Clemente ay nilapitan ito upang arestuhin habang nakaistambay sa  Geronimo St. sa Sampaloc.

Pumalag umano si Clemente at nagawa pang undayan ng saksak si Cristobal na masuwerteng nakailag kaya naman pinaputukan ng huli ang una ng dalawang ulit.

Tinamaan sa tiyan at tagiliran si Clemente at isinugod pa sa nasabing ospital subalit binawian din ng buhay makalipas ang higit 15 oras.

Inilagak ang bangkay sa Gloria Funeral­ Homes.

vuukle comment

BERNARDO CAYABYAB

CRISTOBAL

GERONIMO ST.

GERONIMO ST. SAMPALOC

GLEN CLEMENTE

GLORIA FUNERAL

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with