^

Metro

2 holdaper bulagta sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bumulagta ang dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper ng pampasaherong jeep nang makaengkwentro ang mga tauhan ng Manila Police District sa Taft Avenue, Ermita, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Inilarawan ang isa sa edad na 20-24, 5’4’’ hanggang 5’6’’ ang taas, maitim, balingkinitan, nakasuot ng itim na t-shirt, itim na maong shorts, asul na tsinelas na may tatak na “Islander” at itim na bull cap habang ang kasamang nasawi ay inilarawan sa edad na 20-25, 5’4’’ hanggang 5’7’’ ang taas, balingkinitan, nakasuot ng itim na t-shirt, violet ang short   at puti ang tsinelas.

Nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan.

Ayon sa limang pasaherong nabiktima ng holdap natangay ang kanilang mahahalagang gamit, salapi at cellphones.

Nabawi naman sa mga suspect ang dalawang Nokia­ cellphone at Samsung Wave 525 at na­rekober ang isang kalibre .38 na baril na may 3 live bullets at isang sumpak na may mga bala ng 12 gauge shotgun.

Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran ng MPD-Homi­cide Section, dakong alas-11:10 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Taft Avenue at P. Faura St. sa Ermita.

Nabatid na nagpa­patrulya ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Reaction (TMR) at MPD-Station 5 nang mapuna ang komosyon sa loob ng isang jeep.

Lalapitan na ito ng mga pulis ng bigla silang paputukan ng mga suspect na agad naman nilang ginantihan ng mga putok, kung saan dalawa kaagad ang bumulagta habang ang ibang kasamahang holdaper ay nakatakas.

CHARLES JOHN DURAN

ERMITA

FAURA ST.

MANILA POLICE DISTRICT

SAMSUNG WAVE

TACTICAL MOTORCYCLE REACTION

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with