Maraming paaralan sa NCR nagsuspinde ng klase
MANILA, Philippines - Maraming paaralan sa National Capital Region (NCR) ang nagsuspinde ng klase kahapon bunsod na rin ng inilunsad na transport caravan ng ibat-ibang transport group bilang bahagi ng kanilang pagtutol o protesta sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.
Ayon sa DepEd, nabatid na anim na local government units ang nagdeklara ng suspension ng klase sa public at private sa pre-school, elementarya at high school sa kanilang nasasakupan.
Kabilang sa mga lugar na nagsuspinde ng klase ang Quezon City, San Juan City, Parañaque City, Pasay City, Taguig City at Pateros.
Ang mga kolehiyo at unibersidad naman na nagkansela ng pasok ng mga mag-aaral ay ang Far Eastern University (FEU), East Asia College, College of St Catherine, Centro Escolar University (CEU), University of the East (UE) Trinity University of Asia, Emilio Aguinaldo College (EAC), San Sebastian College, Santa Isabel College, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), National University (NU) at St. Peter the Apostle School
- Latest
- Trending