^

Metro

Trader utas sa ambush

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negos­yante ng isang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Pasig City, kahapon ng hapon.

Ang biktima na kinilalang si Rogelio Silva, 58,   ng Brgy. Palatiw, Pasig City ay dead-on-arrival sa The Medical City Hos­pital, bunsod ng tinamong maraming tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Naganap ang insi­dente dakong ala-1:00 ng hapon sa M.H. Del Pilar St., habang ang biktima ay sakay ng kanyang To­yota Fortuner (PIS-101) na mina­maneho ng kanyang driver na si Roy Reyes.

Ayon sa report, papa­alis palang ang biktima sa kanyang tahanan nang salubungin umano ng suspek na sakay ng isang kulay pulang Honda Wave na walang­ plaka ang sa­sakyan.

Pagkatapat ng sasak­yan ng biktima ay bigla itong bumunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang negosyante habang ang driver nito ay hindi naman sinaktan.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Nagsasagawa nga­yon ng masusing imbes­tigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen at upang madakip ang salarin.

vuukle comment

AYON

BRGY

DEL PILAR ST.

FORTUNER

HONDA WAVE

MEDICAL CITY HOS

PASIG CITY

ROGELIO SILVA

ROY REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with