^

Metro

Tricycle driver, itinumba habang namamasada

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay sa pamamaril ang isang 24-anyos na tricycle driver na sangkot umano sa mga holdapang nagaganap sa ilang lugar sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si John Ryan Gustin, alyas “JR Tae”, ng Tayuman, Tondo.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Almeda at Tayuman Sts. sa na­sabing lugar.

Bago ito, nag-aabang umano ng pasahero ang nasawi sa nasabing lugar nang sumulpot sa kanyang harapan ang isang Honda Wave motorcycle sakay ang di-nakilalang suspect nang bigla siyang pinaputukan sa ulo.

Ilang mga tricycle driver naman­ ang nagsasabing sangkot ang biktima sa mga nagaganap na holdapan sa kahabaan ng Tayuman at Abad Santos Avenue.

Patuloy naman ang isinasa­gawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam ang motibo ng pagpaslang sa biktima.  

vuukle comment

ABAD SANTOS AVENUE

ALMEDA

HONDA WAVE

ILANG

JOHN RYAN GUSTIN

MAYNILA

NAKILALA

PATAY

TAYUMAN

TAYUMAN STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with