^

Metro

Bebot lasog sa truck

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang ka­tawan ng isang matandang babae matapos masagasaan ng isang Isuzu Elf sa may Commonwealth Avenue, lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na walang pagkakakilanlan ay isinalarawan sa pagitan ng edad na 50 hanggang 60-anyos, nakasuot ng kulay green na t-shirt, pulang short at may bitbit na kulay green na bag.

Ayon kay Quezon City Traffic­ Sector 5 enforcer Jerry Fortuna, natukoy ang driver ng truck na may plakang NIP-846 na si Rufu Almares , 33, ng Pilot Area, Brgy. Commonwealth sa lungsod. Nangyari ang insidente sa may westbound lane ng Commonwealth Avenue malapit sa Luzon Avenue, ganap na alas-11 ng gabi.

Diumano, bigla na lamang umanong nakarinig ng malakas na kalabog mula sa likuran ng truck ang pahinante at driver nitong si Almares at nang kanilang tignan ay bumulaga sa kanila ang nakabulagtang biktima.

Sinabi ni Fortuna, maaaring hindi lang ang Isuzu Elf ang nakasagasa sa matandang babae dahil sa lumabas pa ang bituka nito. Nakita rin ang bakas ng dugo mula sa kalsada na indikasyon na nakaladkad pa ito ng truck.

Samantala, matapos ang insidente ay agad na tumakas si Almares sa lugar, hanggang sa lumutang ang amo nitong si Johnny Abo sa himpilan ng pulisya para ayusin ang problema. Maaaring hindi umano napansin ng drayber ang papa­tawid na matanda dahil sa ma­dilim ang lugar.

vuukle comment

ALMARES

AYON

COMMONWEALTH AVENUE

ISUZU ELF

JERRY FORTUNA

JOHNNY ABO

LUZON AVENUE

PILOT AREA

QUEZON CITY TRAFFIC

RUFU ALMARES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with