Solvent boy hulog sa BIR building, lasog

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang hindi pa kilalang lalaki nang umakyat ito sa abandonadong gusali ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at tumalon sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Bagama’t may dugo mula sa ulo, hindi nawasak ang bungo nito habang nagka­lasug-lasog naman ang ka­tawan nito kaya hinihinalang nagmula lamang ito sa ika-6 o ika-8 palapag ng sampung palapag ng BIR building.

“Walang nakakita ng ak­tuwal na pagtalon ng biktima kaya hindi alam kung saang palapag ito nagmula,” ani PO3 Jupiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 25 hanggang 30-anyos­; katamtaman ang katawan; maputi; nakasuot ng “Fitch” brand na violet t-shirt at pulang bulaklakin na shorts at hanggang balikat ang buhok.

Dakong alas-8:00 ng uma­ga nang may marinig na kalabog ang isang Jennifer Salvador, vendor at barker sa lugar, at nagsimula nang pagkaguluhan ng mga tao ang bumagsak na katawan ng biktima sa sementadong compound ng BIR, na matatagpuan sa Anda Circle, Port Area, Maynila.

Nakikita umano ang na­sabing lalaki na pakalat-kalat sa lugar at nagso-solvent.   

Show comments