^

Metro

Mister dedo sa 2 kainuman

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 52- anyos na mister makaraang pukpukin ng malaking bato sa ulo ng isa sa dalawang suspect na nambugbog sa kanya sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police Distict, nakilala ang biktima na si Antonio Gupa, scavenger at naninirahan sa Phase 2 Kaingin 1, Brgy. Pansol sa lungsod. Pinaghahanap naman ang mga suspect na sina Noel Perez at Robert Rebrega, pawang mga residente sa Kaingin 2 ng nasabing barangay.

Nangyari ang insidente sa may eskinita sa kahabaan ng Sapang Pogi, Kaingin 1, ganap na alas -4 ng madaling araw.

Bago ito, masaya umanong nakikipag-inuman ang biktima sa mga suspect sa nasabing lugar nang dumako ang pag-uusap nila tungkol sa LTO driver’s license.

Nabatid na kapwa nagpayabangan ang biktima at mga suspect kung sino ang mas may kaalaman sa lisensya hanggang sa mauwi ito sa mainitang pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo, nagpasya ang biktima na umuwi na lang, kaya tumayo ito sa umpukan saka umalis. Pero sinundan siya ng mga mga suspect at habang naglalakad sa naturang lugar ay biglang dumampot ng malaking tipak ng bato ang mga una at pinagtulungang ipukpok sa ulo ng biktima.

Bunga ng malakas na hampas, agad na bumulagta ang biktima saka muling sinaktan ng mga suspect bago tuluyang nagsipagtakas. Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang isang malaking tipak ng bato na may mantsa ng dugo na ginamit sa pamamaslang sa biktima. Patuloy ang pagtugis ng CIDU sa nasabing mga suspect.  

vuukle comment

ANTONIO GUPA

BIKTIMA

BRGY

BUNGA

NOEL PEREZ

QUEZON CITY POLICE DISTICT

ROBERT REBREGA

SAPANG POGI

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with