Multa sa kolorum gagawing P10,000 ng LTFRB
MANILA, Philippines - Itataas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P10,000 ang halaga ng multa para sa mga mahuhuling kolorum na sasakyan.
Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, ang hakbang ay bahagi ng kampanya ng ahensiya na mawalis ang mga colorum vehicles sa mga lansangan.
Binigyang diin ni Iway na oras na maitaas ang multa sa mga kolorum, mangingimi na ang mga colorum vehicle owners na mamasada. Sa ngayon ay umaabot sa P6,000 ang multa kapag nahuli ang isang colorum na sasakyan.
Inanunsyo ni Iway na sa pagpasok ng buwan ng Abril ng taong ito ay magagamit na ng ahensiya ang may 10 ektaryang impounding area ng LTFRB sa Taytay Rizal.
Libre aniya ito o walang upa ang LTFRB sa lugar samantalang magbabayad ng P300.00 isang araw ang may-ari ng pampasaherong sasakyan na mai-impound doon.
- Latest
- Trending