^

Metro

Journalist pinagbabaril sa Pasig

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa kamatayan ang isang broadsheet reporter­ na nakatalaga sa Palasyo ng Malacañang makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki malapit sa kanyang bahay sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Idineklarang “out-of-danger­” na sa loob ng Pasig City General Hospital ang 42-anyos na si Fernan Angeles, reporter ng Daily Tribune at naninirahan sa Evangelista Street, Brgy. Pinagbuhatan. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa katawan.

Inatasan naman agad ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Alan Purisima si Pasig City Police chief, Sr. Supt. Jessie Cardona na magsagawa agad ng malalimang imbestigasyon sa lahat ng anggulo ng krimen.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi malapit sa bahay ng biktima. Lumabas umano si Angeles ng bahay upang bumili ng load sa kanilang internet connection sa isang tindahan nang may makatalo na lalaki at saka ito pinagbabaril.

Mabilis namang tinulu­ngan ng mga kapitbahay si Angeles na naisugod sa pa­gamutan at agad na nailagay sa “intensive care unit (ICU)”.

Sinabi ng misis ni Angeles na si Gemma na bago mawalan ng malay ang mister ay naibulong nito sa kanya kung sino ang nasa likod ng krimen. Maaaring ang kanyang mister umano ang pinaghihinalaan ng sindikato na naglalabas ng impormas­yon sa operasyon ng iligal na droga sa lungsod.

Samantala, nagpalabas kahapon ng P100,000 reward ang tatlong grupo ng orga­nisasyon ng mga mamamahayag para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng mga suspect na nasa likod ng pamamaril kay Angeles.

Kinondena ng National Press Club (NPC), Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) at Alab ng Mamamahayag (Mamamahayag ) ang isa na namang insidente ng karahasan laban sa malayang pamamahayag.

Sa tala ng NPC, nasa 12 mediamen na ang napaslang sa loob lamang ng halos 2 taong panunungkulan ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kasabay nito, nanawagan sina NPC President Jerry Yap at AFIMA President Benny Antiporda kay PNoy na buwagin na ang PNP-Task Force Usig at ang Justice Department ’s Task Force 211 dahilan kapwa nabigo umano ang naturang mga ahensiya na gawin ang mandato ng kanilang tungkulin.

DAILY TRIBUNE

DIRECTOR ALAN PURISIMA

EVANGELISTA STREET

FERNAN ANGELES

FILIPINONG MAMAMAHAYAG

JESSIE CARDONA

JUSTICE DEPARTMENT

MAMAMAHAYAG

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NATIONAL PRESS CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with