^

Metro

Curfew sa Maynila, paiigtingin

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagdami ng krimen, paiigtingin na ang pagpapatupad ng curfew hours sa May­nila.

Ito naman ang binigyan diin ni Chief of Staff at Manila Information Bureau chief, Ric de Guzman bunsod na rin ng sunud-sunod na krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan.

Ayon kay de Guzman, ka­ilangan na mas matinding im­plementasyon ang gawin ng kapulisan at barangay officials upang matiyak na ligtas ang mga menor de edad na nasa lansangan alas-10 ng gabi ay dapat nasa bahay na ang mga menor-de-edad.

Aniya, mapupusok sa away ang mga kabataang may kinakaanibang mga grupo kung kaya’t mas dapat na doblehin ang pagpapairal ng curfew hours.

Iminungkahi ni de Guzman ang pagkaroon ng re­gular na ugnayan ang kapulisan at mga barangay officials dahil ang mga ito ang siyang nagsa­sagawa ng monitoring at roving sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Sinabi ni de Guzman na maging ang mga magu­lang ay dapat na may partisipasyon sa kaligtasan ng kanilang anak.

Dapat ay alam ng mga magulang kung saan nagpupunta at sino ang mga nakakasa­lamuha ng kanilang mga anak.

ANIYA

AYON

CHIEF OF STAFF

DAHIL

DAPAT

GUZMAN

MANILA INFORMATION BUREAU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with