^

Metro

Ugandan national tiklo sa P22.5M shabu sa NAIA

-

MANILA, Philippines - Isang Ugandan national ang nahulihan ng may 4.5 kilos na methamphetamine hydrochloride o shabu na may street value na P22.5 milyon sa bitbit niyang maleta ng dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sakay ng eroplanong Emirates Airline, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Customs Task Force on Dangerous Drugs and Controlled Chemicals (TFDDCC) chief Sherwin Andrada, ang lola na si Josephine Balikuddembe 52.

Ayon kay Andrada, isang impormasyon mula sa kanilang counter-part galing abroad ang nagbigay ng detalye na magpapasok ng shabu si Balikuddembe kaya”t itinapon ito.

Sinabi ni Andrada, ma­tapos silang makipag-coordinate sa Bureau of Immigration sa NAIA para malaman ang pagkakakilanlan ng suspect ay agad nila itong sinundan sa baggage conveyor para makita kung anong klase maleta ang kanyang kukunin.

Isang maleta lamang ang kinuha ni Balikuddembe kaya sinita agad ang suspect at dinala sa kanilang opisina para mainspeksyon.

“Nahirapan kaming buksan ang maleta dahil sa dami ng tornilyo na nakapa-ikot sa ilalim nito at nang mabuksan ang maleta ay tumambad sa amin ang mga droga na nakalagay sa brown plastic envelope,” sabi ni Andrada.

Samantala, sinabi ng suspect na hiniram lamang niya ang maleta sa kanyang kamag-anak sa Uganda na si Uchuku Martin.

Gayunman, sinabi ni Balikuddembe, pagdating niya sa hotel sa may Alabang, Muntinlupa City ay may kukuha ng kanyang maleta at ibigay ko na lamang ito dito pero hindi niya sinabi ang pangalan.

Si Balikuddembe ay pa­ngalawang ‘black woman’ na nahuli sa airport dahil sa droga. Noon isang linggo ay isang Kenyan national ang nahuli din sa NAIA na may dalang 9 kilo ng shabu.

Si Balikuddembe ay sasampahan ng kaso sa Pasay City Prosecutor’s Office dahil sa importation ng illegal drugs. Dinala muna ang suspect sa Philippine Drugs and Enforcement Agency (PDEA) office para maim­bestigahan. (Butch Quejada, Ricky Tulipat)

ANDRADA

BALIKUDDEMBE

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CUSTOMS TASK FORCE

DRUGS AND CONTROLLED CHEMICALS

DRUGS AND ENFORCEMENT AGENCY

EMIRATES AIRLINE

ISANG UGANDAN

SI BALIKUDDEMBE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->