^

Metro

P1-M reward vs suspect sa kidnap-slay ng 7-anyos

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagpalabas na kahapon ang Philippine National Police (PNP) ng P1-M reward para sa sinumang makapagtuturo sa ikaaaresto ng mga salarin na responsable sa kidnap-slay ng 7-anyos na batang babae na natagpuang lumulutang ang bangkay sa creek sa Parañaque City noong Lunes.

Ang bangkay ng biktimang si Clarissa Pizarra, na lumulobo na at halos hindi makilala nang madiskubre   sa sapa sa nasabing lungsod.

Kasabay nito, ipinaabot din ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome ang pakikiramay ng PNP sa mga magulang ng biktima.

Samantalang bago natagpuan ang biktima ay nagawa pang mag-text ng mga kidnappers sa mga magulang ng bata na sa mga ‘water lilies’ pulutin ang katawan nito.

Nabatid na ikinalungkot ni Bartolome ang masaklap na sinapit ng biktima bunsod upang imobilisa nito ang investigative units ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Southern Police District (SPD) at Parañaque City Police Office upang mabigyang hustisya ang sinapit ng bata.

Magugunita na ang biktima ay huling nakitang buhay noong Pebrero 20 nang du­kutin ng hindi pa nakilalang mga kidnapper sa Brgy. San Dionisio hanggang sa ma­tagpuang lumulutang ang bangkay sa Balitahar Creek ng lungsod.

BALITAHAR CREEK

BARTOLOME

BRGY

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

CITY POLICE OFFICE

CLARISSA PIZARRA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN DIONISIO

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with