^

Metro

2-anyos hulog sa condo, lasog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 2-anyos na batang lalaki makaraang aksidente umanong malaglag buhat sa ikaapat na palapag ng isang condo­minium building sa Parañaque City kama­kalawa ng gabi.

Hindi na ipinasailalim sa awtopsiya ng kanyang mga magulang ang nasawing paslit na si Jarden Zachariah Gan, ng Unit 4-1 Avida Tower 6, Sucat Road, Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Joel Romantico, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa naturang condominium building.

Nabatid na inutusan ng ina ng biktima na si Andrea ang yaya ng kanyang anak na naiwan sa kanyang pangangalaga.

Maaari umano na nakaligtaan ng ina ang anak na naiwan sa kanilang kuwarto. Posible umano na nakabukas o nabuksan ng bata ang “sliding window” at sumilip. Dito na nalaglag ang paslit mula sa ikaapat na palapag ng gusali.

Tumanggi na rin ang mister ni Andrea na sampahan ng kaso ang ina na nasa “trauma” ngayon habang inaalam ng pulisya kung maaaring sampahan ng kasong kapabayaan ang may-ari ng gusali kung makikita na may kamalian sa disenyo ng kanilang mga kuwarto­.

vuukle comment

ANDREA

AVIDA TOWER

BRGY

DITO

JARDEN ZACHARIAH GAN

JOEL ROMANTICO

MAAARI

NABATID

SAN DIONISIO

SUCAT ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with