^

Metro

Oil price hike nagpatuloy

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sumirit muli ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa makaraang magpatupad ng panibagong dagdag-presyo ang mga kompanya ng langis dahil sa katwiran na muling tumaas ang presyo ng langis sa internasyunal na merkado.

Muling nauna sa pagta­taas sa presyo ng petrolyo ang Pilipinas Shell habang sumabay dito ang Total Philippines dakong alas-12:01 ng hatinggabi. Itinaas ng dalawang kompanya ng langis ang presyo ng premium at unleaded gasoline ng P0.60 sentimos sa kada litro, P0.85 sa regular gasoline, P0.30 sentimos sa kerosene at P0.20 sa diesel.

Tulad ng inaasahan, mu­ling ikinatwiran nina Mitch Cruz, tagapagsalita ng Pilipinas Shell at Iris Reyes ng Total Philippines na ibinatay nila ang panibagong price adjustment matapos muling lumobo ang halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Bagama’t wala pang anunsiyo ang Petron, Chevron at iba pang maliliit na kom­panya ng langis sa bansa­, inaasahan din na susunod na rin sila sa pagtataas ng presyo ng kanilang produkto sa kaparehas ding halaga.

Nauna nang nagpahayag ang Department of Energy (DoE) na hindi mapipigilan ang panibagong pagtataas ng halaga ng mga produktong petrolyo ngayong linggo sanhi ng nagaganap pa ring tensiyon sa mga bansa sa Gitnang Silangan na pa­ngunahing pinagkukunan ng langis.

BAGAMA

DEPARTMENT OF ENERGY

GITNANG SILANGAN

IRIS REYES

ITINAAS

LANGIS

MITCH CRUZ

NAUNA

PILIPINAS SHELL

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with