^

Metro

Ex-congresswoman Daza muling isu-subpoena ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi pagsipot sa isinasagawang re-investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa dating Quezon City Representative Nanette Castelo-Daza sa pagkamatay ng dating ka­relasyon nito na si Noel Orate Sr., muli siyang padadalhan ng subpoena upang personal itong maghayag ng kanyang panig hinggil sa nasabing kaso.

Sa naging paliwanag ng counsel ni Daza na si Atty. Freddie Villamor, sa pagharap nito sa NBI Death Investigation Division, napagkasunduan umano nila ng kanyang kliyente na huwag munang dumalo dahil hindi pa naman kailangan at sa halip ay nagsumite na lamang ng affidavit ang dating kongresista, ni Bobby Castelo at dalawang tennis player na nakakita kay Orate bago namatay.

Sa affidavit na binasa  ng abogado, nakasaad na nagkaroon pa ng isang oras na hostage-taking kung saan hinostage ni Orate si Jessica, anak ng dating kongresista.

Ayon sa NBI-DID, ipata­tawag muli si Daza dahil ka­ila­ngang personal na mag­bigay ito ng kanyang salaysay.

AYON

BOBBY CASTELO

DAHIL

DAZA

DEATH INVESTIGATION DIVISION

FREDDIE VILLAMOR

JESSICA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY REPRESENTATIVE NANETTE CASTELO-DAZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with