^

Metro

Reclusion perpetua hatol sa rapist ng mga dentista

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hinatulan ng reclusion perpetua ng Manila Re­gional Trial ang isang lalaki na napa­­tunayang nangholdap at nanggahasa ng dalawang dentista sa Maynila noong nakalipas na taon.

Batay sa 10-pahinang desisyon ni Manila RTC Judge Dinnah Aguila-Topacio ng Branch 42, si Albert Galang dela Cruz, alyas Albert Maliwat, 31, ay napatunayang nagkasala at pinagbabayad ng halagang P193,500 para sa mga alahas at personal na gamit na nakuha sa dalawang biktima na kapwa dentista, bukod pa sa P75,000 para sa civil indemnity at P75,000 para sa moral damages.

Nabatid na gumamit din ng mga alyas na Alvin, Aldrin, Alex, Alexander, Jeffrey, Jason at Jake si dela Cruz at apelyido na Galang, Musngi, Maliwat, Gapeon at Santos.

Nakasaad sa rekord ng korte, naganap ang panloloob ni Dela Cruz sa klinika ng biktimang si Dra. Aida (’di tunay na pangalan) noong Mayo 26, 2011 sa Paco, Maynila.

Nabatid na nagpanggap umano ang suspect na pasyente at magpapalinis ng ngipin. Pagkatapos malinisan ay nagdeklara ng holdap ang suspect.

Hindi pa umano ito nasiyahan at nilimas ang mga alahas ng biktima at ginahasa pa sa loob ng klinika ang dentista.

“Satisfied” at “justice has been served”, ang naging reaksiyon ng mga lumuluhang biktima na dumalo sa ginanap na pagbasa ng hatol sa akusado.

vuukle comment

AIDA

ALBERT GALANG

ALBERT MALIWAT

CRUZ

DELA CRUZ

DINNAH AGUILA-TOPACIO

MANILA RE

MAYNILA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with