^

Metro

Patay na beybi iniwan sa Baclaran Church

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan na nga­yon ng Parañaque City Police ang pag-iwan ng hindi pa nakikilalang lalaki sa isang patay na sanggol na babae sa compound ng Baclaran Church sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang deboto na nakilalang si Minda Historia ang nakakita sa isang lalaki na nakasuot ng shorts at basketball jersey na may bitbit na paper bag dakong alas-11 ng gabi sa labas ng simbahan at basta na lamang iniwan ito sa isang bahagi ng compound.

Maaari umano na sa may wishing well ng simbahan iiwanan ang paper bag ngunit nagmadali ito nang mapansin siya ng lalaki. Nang kanyang puntahan ang paper bag, dito niya nadiskubre ang sanggol na walang buhay na laman nito.

Pinangalanan pa ng posibleng magulang nito ang sanggol na “Dominique” base sa sulat na iniwan sa loob ng paper bag. Nakasaad rin sa sulat na: “Please bless my daughter, baby Dominique. And do pray for her before she goes to her grave. I hope this will be kept confidential. Thank you and God Bless.”

vuukle comment

BACLARAN CHURCH

CITY POLICE

GOD BLESS

INIIMBESTIGAHAN

MAAARI

MINDA HISTORIA

NAKASAAD

NANG

PINANGALANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with