^

Metro

Holdaper dedo sa kagawad

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang notoryus na holdaper ang namatay matapos na barilin ng isang barangay kagawad na nagresponde sa naganap na holdap sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang suspect na si Kevin John Longinos­, miyembro ng ‘Batang City Jail’ at ‘Teardrops gang’ at re­­­sidente ng Tondo, Manila sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril mula kay Al Valezona, Brgy. Kagawad ng Brgy. 108, Zone 9 Dist 1.

Sa report ng MPD, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa Capulong St., Tondo.

Nauna rito, humingi ng tulong ang isang Abigael Aquino, 31, negosyante ng Maharlika St., Tondo kay Valezona matapos na holdapin ng suspect at tangayin ang kanyang Blackberry cellphone.

Tumugon naman si Valezona kasama ang kanyang ba­rangay tanod kung saan sakay ng patrol service at naabutan nila ang suspect sa nasabing lugar.

Nang sitahin ng kagawad ang suspect ay nagtatakbo ito hanggang sa nagkaroon ng habulan at umakyat sa bubong ang huli pero minalas na mahulog kaya naaresto ito.

Sa halip na sumuko ang suspect ay binunot nito ng kanyang kalibre 45 na baril kung saan nakipag-agawan naman si Valezona at nang makakuha ng tiyempo ang huli ay pinaputukan ang una.

Nalaman na bukod sa biktimang si Aquino, positibo pa ring kinilala ang suspect ng isa pa niyang nabiktima.

Nabatid na labas-pasok sa Manila City Jail ang suspect at kilalang kilabot na holdaper sa lugar.

vuukle comment

ABIGAEL AQUINO

AL VALEZONA

BATANG CITY JAIL

BRGY

CAPULONG ST.

KEVIN JOHN LONGINOS

MAHARLIKA ST.

MANILA CITY JAIL

VALEZONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with