5 miyembro ng carjacking group, timbog

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nalan­sag na ng mga operatiba ng Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police District ang grupo ng carjackers na responsable sa pagtangay sa mga sasak­yan sa lungsod matapos na maaresto ang lima sa miyembro nito at kanilang lider sa ginawang pagsalakay sa kanilang safehouse sa Baliuag, Bulacan, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Joemel Salvatierra, 30, ang itinuturing na lider ng grupo; Hermogenes Vergara, 54, Ryan Cruz, 23; Roy Ogto, 33, at Edgardo Caguiat, 28; miyembro ng notorious na ‘Salvatierra carjacking group.’

Ayon sa ulat, ang grupo ni Salvatierra ang sangkot sa serye ng carjacking sa lungsod na matagal nang tinutugaygayan ng pulisya.

Naaresto ang grupo ng tropa ni QCDP-DACU head Supt. Ferdinand Villanueva, matapos ang halos isang linggong surveillance na kanilang ginawa.

Isa sa mga kasamahan ng grupo na nakilalang si Christopher Ducot ang nagturo sa pinagtataguan ng grupo ni Salva­tierra matapos na masundan ito ng mga ope­ratiba makaraang tangayin ang isang Hyundai Tucson kamakailan.

Show comments