Obrero pisak sa bakal

MANILA, Philippines - Dedo at halos ma­durog ang katawan ng isang helper­ nang mag-collapse ang inililipat nilang bakal sa Navotas City kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jesus Mondiego, ng Gula­yan, Brgy. Catmon, Mala­bon City na nagtamo ng ma­tin­ding pinsala sa ulo at katawan.

Naganap ang insi­dente pasado alas-4:00 ng hapon sa pinapasukang Trans Pacific Journey Fishing Corp., ng biktima na nasa H. Lopez St., Brgy. North Bay Boule­vard ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa mga kasamahan ng nasawi, ililipat nila ng puwesto ang bakal na lalagyan ng gamit na may taas na 16 talampakan nang bumagsak ito hanggang sa mabagsakan ang biktima at dahil sa bigat ng bakal ay halos madurog ang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Show comments