'Tulak' na bebot, timbog sa buy-bust

MANILA, Philippines - Arestado ang isang babae na umano’y tulak sa isinagawang buy-bust opera­tion ng Manila Police District (MPD) kamaka­lawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Si Marilyn Bautista, alyas Aireen, 36, ng Juan Luna St., Tondo, Maynila ay kasalukuyang nakadetine sa MPD-District Anti-Illegal Drug Special.

Dakong alas-4:30 ng hapon isinagawa ang nasabing buy-bust operation sa panulukan ng Moriones at Sta. Maria Sts., sa Tondo.

Nabatid na mismong si Bautista na ang lumapit sa nagpanggap na poseur- buyer­ at nag-alok ng shabu.

Naging hudyat naman ang isinampay na “bimpo” sa balikat ng poseur-buyer upang arestuhin si Bau­tista.

Show comments