Lalaking pinugutan at binalatan, kilala na
MANILA, Philippines - Isang barangay tanod ang bangkay ng lalaki na natagpuang pinugutan at binalatan noong nakalipas na Marso 2, ng taong kasalukuyan sa Caloocan City.
Sa inilabas na ulat ng Caloocan City Police, kinilala ang biktima na si Romeo Tiles, 34, taga-Litex Road, Commonwealth, Quezon City.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Luisito Mandapat alyas “Makaw”, founder ng Tau Gamma Phi sa nasabing lugar.
Sa rekord ng pulisya, matatandaan na alas-6:20 ng umaga nang matagpuan ang torso ng biktima na nakasilid sa kulay itim at berde na garbage bag sa Sikatuna St., Camarin, Caloocan City.
Kasama sa torso ang karton na may nakasulat na “Mabuhay Tau Gamma hindi mo kaya si Makaw”.
Nabatid na kinilala ng pulisya ang biktima matapos magtungo sa tanggapan nila ang isang babae na nakilala sa pangalang Ruth, asawa ng nasawi na positibong kumilala sa katawan sa kabila na inalis ang tattoo nito sa dibdib matapos na balatan.
Ayon pa sa ginang, pinagbantaan ng suspek ang kanyang asawa dahil sa hinalang may kinalaman ang biktima sa pagkamatay ng pamangkin ni Mandapat.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatagpuan ang ulo at iba pang parte ng katawan ng biktima.
- Latest
- Trending