MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang limang sibilyan kabilang na ang apat na guest relation officers (GRO) matapos sumabog ang granada nang hagisan ng ‘di-kilalang lalaki sa harapan ng KTV bar kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Isinugod sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ang mga sugatang biktima na sina Rodel Macario, Gwendolyn Corbita, Marlyn Velarde, Roselyn Pabillar at si Jenelyn Tungala.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Erwin Carandang ng Caloocan City PNP, isang MK-2 hand grenade ang pinasabog sa Lady Ash KTV bar sa nabanggit bandang alas-11 ng gabi.
Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na inihagis ang granada mula sa kabilang bahagi ng kalsada at bumagsak sa sidewalk ng nabanggit na bar.
Sinasabing isang lalaki na sakay ng pampasaherong jeepney ang naghagis ng granada habang patuloy naman ang imbestigasyon.