^

Metro

KTV bar binomba: 5 sugatan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang limang sibilyan kabilang na ang apat na guest relation officers (GRO) matapos sumabog ang granada nang hagisan ng ‘di-kilalang lalaki sa harapan ng KTV bar kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ang mga sugatang biktima na sina Rodel Macario, Gwendolyn Corbita, Marlyn Velarde, Roselyn Pabillar at si Jenelyn Tungala.

Sa inisyal na im­bestigasyon ni SPO3 Erwin Carandang ng Caloocan City PNP, isang MK-2 hand grenade ang pinasabog sa Lady Ash KTV bar sa nabanggit bandang alas-11 ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na inihagis ang granada mula sa kabilang bahagi ng kalsada at bumagsak sa sidewalk ng nabanggit na bar. 

Sinasabing isang lalaki na sakay ng pampasaherong jeep­ney ang naghagis ng granada habang patuloy naman ang imbestigasyon.

CALOOCAN CITY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERWIN CARANDANG

GWENDOLYN CORBITA

JENELYN TUNGALA

LADY ASH

MARLYN VELARDE

QUEZON CITY

RODEL MACARIO

ROSELYN PABILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with