Saleslady ng mall, nag-suicide

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamata­yan ang 22-anyos na saleslady ng 168 Mall makaraang magbigit sa loob ng inuupahang bahay sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO2 Mil­­bert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section  ang biktima na si Sarah Pilot ng 11th Street, Port Area, Maynila.

Natuklasan na lamang ng kasama sa bahay na si Rhea Si­nenggayan na naka­bitin sa kisame sa loob ng kanyang kuwarto ang biktima kaya isinugod ito sa Gat Bonifacio Memorial Medical Center subalit idineklarang patay.

Huling namataang buhay ang biktima na nanonood sa telebisyon bandang alas-11 ng gabi kung saan tine­yempuhang makatulog ang kasama sa bahay saka isinagawa ang pagpapatiwakal.

Narekober ng pulisya ang suicide note ng biktima tungkol sa kanyang ka-live-in na hindi naman idinetalye ang pangyayari.

Pinaniniwalaang depresyon ang isa sa motibo kaya nag-suicide ang biktima kung saan may problema rin sa pananalapi na gagamitin sa pambili ng gamot sa hindi tinukoy na karamdaman.

Show comments