Mga banko na walang CCTV hindi papayagan sa Pasay
MANILA, Philippines - Hindi na mag-iisyu ng mayor’s at business permit ang pamahalaang lokal ng Pasay sa mga banko na walang closed circuit television (CCTV) camera.
Ito ay base sa ordinansang ipinanukala nina Councilors Richard Advincula at Grace Santos, kung saan inoobliga ang lahat ng banko na nasa hurisdiksiyon ng lungsod Pasay na maglagay ng CCTV camera sa loob at labas ng bisinidad nito.
Nakasaad rin sa Section 2 ng naturang ordinansa, na inoobliga rin ang mga banko na ang video footage na nakunan ng kanilang CCTV camera ay dapat aniya naka-priserba ng taunan.
Nabatid na bilang parusa, papatawan ng halagang P1,000.00 ang management ng banko na lalabag sa nabanggit na ordinansa at P5,000.00 naman ang multa sa lalabag sa Section 2.
- Latest
- Trending