Kelot pinisak ng adobe
MANILA, Philippines - Pisak ang mukha matapos daganan ng adobe nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki kahapon ng umaga sa Pasay City.
Kinilala ang biktima na si Ronnie Biug, ng Brgy. 99 ng nabanggit na siyudad.
Inaalam pa ng Pasay City Police kung sino ang responsable sa pagpatay sa biktima.
Dakong alas-8:00 ng umaga ng matagpuan ang biktima sa isang bakanteng apartment sa panulukan ng Vergel at Zamora Sts., Brgy. 99 ng nasabing lungsod ng isang Jessa Avinado.
Habang sinusulat ang balitang ito ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente.
- Latest
- Trending